Archive for July, 2006

Funny side of Love!!!

Wednesday, July 26th, 2006

Why do we love ba?

so we can have somebody to talk to?

Someone who can be there pag gusto natin gumala?

a person na pwedeng manlibre satin?
taong magbibitbit ng gamit mo?

ALALAY for short! 

Eh pano kung di ka nya mahal?

would you still love him/her?
would you still continue to care for that person?

Bakit naman hinde?

you didnt love that person para magkaroon ka ng alalay dba,

magkaroon ka ng instant meal dahil libre,

taong gagawa ng assignments mo or projects,

or taong mahihila mo if you want to go out…

if thats what you think about love well sorry

ang BABAW mo!

loving a person doesn’t need to have a criteria na dapat maganda o guwapo,

dapat mabait or understanding,
kasi once you fall inlove you take the risk of accepting dat person
kahit maingay sya matulog,…..yuuung hilik ng hilik
kahit matakaw sya o sobrang fat na hindi kayo kasya pag puno ang jeep!
kahit sobrang moody nya na kulang na lang ay sapakin mo sa inis!
yung sobrang selosa/seloso na pati barkada pinagseselosan..
badtrip diba?

And yung napaka-arte OA kung baga!

o kahit ano pang bagay that would turn you off…
hirap talaga magmahal trying to be PERFECT kase
gusto mong magtagal pero hindi yun ang sagot sa lahat…

So lesson is ….ACCEPTING the real person fully

kase if you said na mahal mo sya you dont need
to find answers kung bakit mo sya mahal…
kase lahat ng tao nagbabago but if you accept
that person magbago man sya in the middle of your
relationship hindi ka masasaktan kase you know that darating
din yun.. tsaka tanggap mo sya ng buo…

mahirap gawin pero masarap subukan dahil

wala ng sasaya pa if you let one person feel na
MAHAL NA MAHAL mo sya without asking 4 anything in
return…

then you can say wow un pla ang LOVE! 

Being happy doesn’t mean everything’s perfect.

It means you’ve decided to see beyond the imperfections…

I Do you know I exist, just to promise you this,
Endlessly to be true to you,
And if you answer my prayer,
I cross my heart and I’d swear
Endlessly to be true to you,
And if you’d only see
How beautiful you and I would be, endlessly

hahahaha!!!Grabe na itong kakornihan na ito

Nakakatawa talaga ang love.

Isa siyang napakalaking oxymoron.

Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,

baliktarin mo at totoo pa rin.

Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal.

Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo.

Walang rason. Maraming rason.

Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin.

Masakit magmahal. Pero okey lang. Sus, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people."

Nakakatawa kasi laude ang standing niya,

pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang.

At ayun, tanga na siya ngayon.

Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din.

O kaya paminsan, nagiging moron lang. hehehehe!!!!

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.

Lahat ng bagay nababaligtad din niya.

Lahat ng malalakas na tao, humihina.

Ang mayayabang, nagpapakumbaba.

Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa.

Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.

Ang malulungkot, sumasaya.
Nakakatawa talaga.

Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal.

Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit….haaaayyy,

sabihin mo lang ang magic words na

"Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA!

Ayan na siya.Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo?

Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao?

Naiisip mong wala namang

mali

dun sa mga sinabi mo.Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!"

"Ang sarap mabuhay,Pwede na ‘ko mamatay. Now na!"

At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan

ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila

eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.

Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila,

Ang Rason eh siyempre hindi sila yung may kasalanan.

Siya! "Bakit niya ko sinaktan?"huhuhuhu….

May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.

Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga

bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan.

Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong

kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.
Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang

Kapag gusto magpatawa ng pag-ibig,

Ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Saturday, July 22nd, 2006

*NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT KA PA SINGLE?*

SINGLE: Minsan ayos lang kase free na free ka gawin kung ano ang gusto mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gusto pumunta pero kung minsan, lalo na’t malamig ang hangin o kaya maganda ung view, magwiwish ka na sana may yumayakap sa yo, hahalikan ka sa noo at tititignan ka ng parang ikaw na ata ang pinakamagandang babae sa mundo. nakakamiss yun. Kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa kayo.Gaano katagal na ba kayo walang nagiging boyfriend?

*1. Masyadong independent* baka naman masyado mo napoproject na kaya mong mabuhay ng wala silang lahat,ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila kaya dun nalang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

*2. Mataas ang standards mo* siguro hindi na natanggal sa isip mo ung pangarap mo nung bata ka pa. aba,kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. ok cge, kung makita mo nga ung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang kuko niya sa hinlalaki o kaya naman sobrang bad breath niya sa umaga o kaya naman daig pa ang tambucho sa lakas manigarilyo…oh eh di turn-off ka na? kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang wala ng magboyfriend at maggirlfriend ngayon. puro friends nalang.

*3. ubod ka ng kasungitan* maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong mukhang nangangain ng tao tapos liligawan pa? dapat kc kahit konti maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama.

*4. masama ang ugali* kung papipiliin ako kung sa masungit at sa masama ang ugali, dun na ko sa masungit! ang masungit kc, hindi likas na itim ang budhi nyan, may taglay na istorya sa likod ng simangot niya. sabihan mo lang yan ng ‘peek-a-boo’ BAKA ngitian ka na. ibang istorya na kase ang masama ang ugali dahil mula pa yang ugali na yan sa kaibuturan ng kanyang mga balunbalunan. sa una mabait pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao kung tratuhin nito. tsk tsk tsk. pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarilli mo magbago . magdasal ka kay lord. ng mataimtim ha.

*5. nagkukulong sa bahay* walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung nagkukulong ka lang sa bahay . ok, nanjan nga ang nanay mo para sabihin na maganda ka pero im sure umay na umay na rin yan sa pagmumukha mo kaya mas maigi kung lumabas ka… pagkagaling sa office, pwede ka magmall o kya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga organization sa simbahan or sa neighborhood.

*6. mukha kang losyang * ito ang kadalasang krimen ng mga single. hindi ka nagbibigay ng panahon para ayusin ang sarili physically. at bakit pa nga ba e wala ka naman dahilan para mag-ayos, diba? MALI!!! dapat nga lalo ka mag-ayos para makita ang marketability mo. hindi krimen ang maging vain kahit konti. did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? kaya lola, magsimula ka na mag-ayos at baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida sa paligid mo.

*7. masyadong magaling* medyo sensitive itong tapic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego dito eh. oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas marunong ang babae sa kanila. hindi na natin ito problema dahil malamang insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kase hindi na makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. kailangan maramdaman din nila saiyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka nila. hindi ko rin sinasabi na icompromise mo ang talents mo, ano bang magagawa ko kung likas na talentadong bata ka pero ang tamang gawin ay wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. wag na wag mong kalimutan ng may 2 klaseng yabang dito sa mundo. wag kang mang-intimidate kung ayaw mong maintimidate.

*8. sobrang busy* alam mo ba ung kantang ‘Narda’? ganyan ang mangyayari sa iyo, hanggang kanta nalang ang aabutin ng nagkakagusto sayo dahil maski pagpluck ng kilay mo wala kang time.

*9. dala ang bigat ng kahapon * may kasabihan nga, "how can u look forward when u keep looking back?" walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na dinulot ng nakaraan mo. walang sense ang magpakabitter dahil in the end, lalo ka lang papanget. panget na nga, bitter pa. tsaka wag kang matakot masaktan kung gusto mo magmahal muli. laging kaakibat ng love ang pain dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. at isa pa, wag ka ring matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. pano mo malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman ?

*10. masyadong masyado* masyado maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado mayaman. minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gustong manligaw sayo. pero hindi mo naman ito kasalanan diba? katulad din ito ng scenario sa #7. siguro mas maigi kung humble lang ka, wag mayabang, at imbis na maging hambog, share nalang the blessing. hindi ka lang maganda/matalino/talented/mayaman,mabait pa. im sure, lahat mahuhumaling sayo. at eto ang pinakamatindi sa lahat:

*11. Wala sa guhit ng palad mo ang magkaboyfriend* shiyet ang saklap naman nito kung ganun nga. hindi purkit na hindi ka na magkakaboyfriend ay loser ka na. malamang may nakalaan na plano sayo si Lord kaya gusto niya na wala kang boyfriend. siguro kaya wala kang boyfriend dahil kelangan ang full attention mo sa pagtulong sa pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga pamangkin mo, baka kelangan ang full time and support mo sa organization mo…maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na nangyayari sayo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. laging may greater purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari.

~Kaya kung halimbawang may darating, wag na pakyeme. kung hindi mo type ang lalapit sayo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan ka ng karma. kung nandyan na , gawin nalang ang best para magstay siya sa buhay mo at hindi ka na nagtataka pa kung bakit single ka.